Odie
AUUUURRGGGGGHHHHH!!!!
 I hate internet disconnections....

Kay naman hindi ako nakakapagpost sa pagkatagal-tagal na panahon e dahil wala akong panahon mag-internet... or kung mayroon man akong panahon e wala namang connection ang DSL sa bahay... haaaaAAAAAYYYYYyyyy!

Marami pa man din sa ana akong ipopost last week kaya lang baka hindi na muna...

Medyo matagal pa bago ako makapagpost ulit...
Labels: 0 comments | edit post
Odie
Kung hindi niyo pa alam, meron kaming CWTS at yun ay ang NSTP namin... Kung kayo'y taga-ibang skul, maaaring LTS, CWTS, or ROTC ang ginagawa niyo. Ang CWTS ko nga pala ay rappelling at yun ay yung pagbaba sa dingding na matataas... Yun nga lang, di namin iisiping may kasamang camping yun sa may Makiling.

Ang camping namin ay dalawang gabi kaya naman haggard kami... at PUMAYAT! YEEEEAAAHHHH! Pumayat kami... first day pa nga lang, lumuwag na ang pantalon ko... seriously.

At dahil nga sa camping, meron din akong natutunang importanteng mga bagay-bagay...

1. Importanteng walang fiber ang iyong kinakain dahil kung ayaw mong jumebs e dapat wala kang ijejebs. Importante yun dahil ahirap talagang jumebs dun sa "banyo" namin. Dahi dito, natuto akong magbasa ng Nutritional Facts ng mga pagkain. Biruan mo, ang lahat ng pinili ko e 0% at 0 g ang mga Dietary Fiber. At kung alam niyo lang, ang hirap din palang maghanap ng mga iyun. Ang V-Cut nga pala e magandang dalhin pag camping at pangit namang dalhin ang Nova.

2. Masaya palang maligo at magjebs ng magsabay ang mga boys at girls... Hehe Ang banyo nga pala namin ay unisex kaya naman NAPAKAHIRAP... I repeat... NAPAKAHIRAP maligo at jumebs ng mag-isa dahil kung walang nagbabantay sa labas e baka me makasilip sa iyo habang ikaw ay may miting kasama si Superman o kaya naman ay naglilinis ng putik sa katawan. Pero dahil nga unisex, pwede ka munang makipagkwentuhan sa girlfriend o boyfriend mo habang naliligo kayo o kaya naman e jumejebs... At least may bonding moment pa rin kayo di ba?

3. Napakalaking importansya pala ng swimming sa buhay natin dahil kung walang swimming e wala ring mga swimming pool. At kung walang swimming pool e wala ring mga shower rooms sa resorts! At kung walang shower room sa resorts e hindi kami makakaexperience ng pagligong maayos at pagjebs ng maayos. Yun bang wala kang worries na masilipan ka sa iyong private moments?

4. Buhay ng matatanda... period. At kung sasabihin pala sa inyo ng mga magulang at lola mo na dati-rati e alas kuwatro pa lang e nakagising na sila, ang sabihin niyo e alam na namin kung bakit. Biruan niyo, kailangan mong maglakad ng 500 meters papunta sa banyo at 500 meters pabalik mua sa banyo. Tapos magsisiga ka pa, magluluto, magtutoothbrush dun sa malayng banyo... before you know it, gabi na ulit!

5. Nakakapayat ang camping. Dahil nga sa ayaw mong kumain dahil ayaw mong majebs e wala ka ng source of energy kundi ang stock na lang ng katawan mo... Tapos lalakad ka pa ng malayo everytime na kailangan mo lang umihi. Tapos may trekking ka pa, navigtion, swimming, pagluluto... kaya total calorie burn ang mafifeel mo... Pati sa pagtulog e naeexercise ka dahil kailangan mong magstretch at magpower yoga para lang hindi ka mahiga sa isang bato sa ilalim ng tent niyo. At totoo ang sinabi ko sa taas na first day pa lang e lumuwang na ang pantalon ko.

6. Dapat ay matulog ka... Dahil kung kulang ka sa tulog e baka mangyari sayo ang nangyari sa kasam ko sa tent na itatago ko na lang sa pangalang "Julius". Eto nga pala ang dayalogo. Ako si O, Si C ang kasama ko, si Julius si J.
O: Julius, tulungan mo nga kaming buksan itong sako ng bigas natin. Di namin maalis ang buhol e.
J: Ha? May Nagtext?
O: Hinde. Sabi ko di namin mabuksan ang sako ng bigas.
J: May nagreply?
O: ...
C: Julius, matulog ka nga muna ulit! Parang nananaginip ka pa e!
J: Hinde kasi ano... *mumble mumble* zzzzzzzz

The next day:
O: Sh*t! Ang bigat mo Julius! Bakit kasi kailangan ka pang itayo para lang magising ka?
C: Hoy Julius! GISSSEEEEENG! Magsasaing at magsisiga pa tayo!
O: O ayan nakamulat na ang mata... Julius, asan yung sako ng bigas?
J: *gagawa ng nguso sa bibig at tatango tapos bagsak ulit sa unan*
O: naman e!

7.Pork en Beans... Malaking problema. Mahirap magdala ng pork and beans sa camping dahil alam niyo naman na ang beans e parang secret source ng methane sa mundo. Kaya naman nung may umutot sa tent namin e parang nahigh yata kaming mga nasa loob sa sobrang bagsik... Ang problem lang walang gustong umamin pero siyempre ang unag suspetsa e yung kumain ng pork and beans di ba?

8. Wag magpaarte-arte kung isa kang bitchessang malandi at naisipan mong magcamping. Asahan mong magiging maputik, marumi, mabaho, at matrabaho yun kaya naman sa mga taong nagawang mag-usap ng ganito sa camping e bilib ako sa groupmates niyo dahil ang taas naman ng tolerance level nila na huwag kayong bagukan sa ulo ng mga de lata, o kaya ng sako ng bigas...
girl1: Yuck! Kuya, pwede bang magpadeliver na lang kami ng portalet? Like kasi the banyo is so malayo.
girl2: Ya kuya... and like the food here is so kadiri... my groupmates are like so not good cooks (habang nagluluto ng ulam ang groupmates)
girl3: Yeah and pwede bang simetuhin na lang next time to coz my shoes are being stuck sa putik dito. (bakit naman kasi naisipang magsuot ng sandals na may heels?)
G1: AAAAAAAYYYY!!!!! there is something on my hair! OMG! Anu ito!
g2: AIIIIEEE! OMG baka lamok na malaki... huhu I WANNA GO HOME NA!
Junior Instructor: dahin lang kasi ng puno yung nasa buhok mo dear.

9. Dapat magdala kayo ng isang pampalipas oras na hindi naman mabigat o mahirap dalhin... Magandang magdala kayo ng baraha. Mahirap kasing mabagot habang ikaw ay nasa loob ng tent at walang ilaw kundi lang ang flashlight.

10. At siyempre, dpat ay may pantakip ka ng tenga... mahirap na kapag may sobran lakas na humilik sa kabilang tent... Baka di ka makatulog e...

Nakauwi ako sa dorm ng buhay naman pero ng maliligo ako, tsaka ko narealize na wala daig pa pala ng banyo namin sa dorm ang banyo ng campsite... Biruan mo, may palaka sa loob ng shower cubicle! But that is another story... HAHAHA....Haaaay...

Parang mas gusto ko pang magcamping na lang kesa humarap sa mga prof na sadista. At least masaya ang camping at magiging well-bonded pa kayo ng groupmates mo.