Odie
Ang Pinoy ay sadyang _________

complete the sentence. Kung ako siguro, sa panahon na ito, ang ilalagay ko ay "may matinding colonial mentality"

Nakakainis lang kasi kung anu-ano ang mga nangyari na sa akin na talaga namang nakakainis na sa sobrang kainisan ay nagiging katawa-tawa na lang... Ang masaklap pa, parang racism ang nangyayari... pero against sa kalahi mo...

1. Sumasakay ako sa tri-sakal... este tricycle tapos noong napasok ko na ang paa ko, tsaka biglang humarurot si kuya papunta sa pinto ng mall. Akala ko naman, may naunang tumawag sa kanya pero noong narinig ko noong tinanong siya nung kasama niyang driver kung bakit niya nga ako iniwan,(kumwari nakasindi ang headphones ko kahit hindi) ang sabi niya lang "Amerikano yung palabas nung pinto. Baka nangangailangan kasi ng masasakyan." WTF! Eh ako, di a nangangailangan ng sasakyan? Nakakainis lang talaga!

2. May nakasakay akong lola sa jeep, at sobrang init talaga sa tabi ng bintana pero dahil ako yung nasa may silong at tinignan ako nung matanda na parang pinapa-guilty niya ako, tumayo na lang ako at binigay sa kanya yung lugar na inuupuan ko. Eh may nakasabay kaming kanong malaki ang katawan... lalake, sinlaki ng maliit na hippo... err... basta malaki naman siya... pero umupo siya sa may bintana kung saan mainit din... dun sa tabi ko. Pagkatapos bumaba nung amerikano, narinig ko si lola. Sabi niya: "Kawawa naman yung Amerikano, umupo dun sa may arawan, ang init pa man din." Kainis ano?

3. Ang ironic ni ate sa tindahan. Nagpapatugtog siya ng "Noypi" pero nung tinanong ko siya kung alin ang mas magandang bilhin na t-shirt, ang sabi niya "mas maganda yung may nakasulat na English... yun kasing may nakasulat na statement sa Tagalog, baduy..."

Hala, madidisconnect na naman yata ako kaya para ma-post na ito, puputulin ko na...
Labels: 2 comments | edit post
Odie
Malaki lang talaga ang galit ko sa mga lalaking nakaskinnyjeans simula ng muntikan na akong tamaan ng hollowblock sa ulo ng sira-ulong jumping jolog na naka-skinny jeans.

Ewan ko, ok lang namang tignan sa babae ang skinnies pero sa lalake, medyo nasasagwaan ako... Hindi kasi lahat ng lalake kayang dalhin ng maayos ang skinnies ng hindi nagmumukhang maangas at katawa-tawa dahil nakikiuso lang.

Kung gusto mo talagan magsuot ng skinnies, siguraduhin mo lang na hindi mo gawin ang mga sumusunod dahil based sa mga nakita ko, mukha silang sira-ulo!

1. Kung alam mong may thunder thighs ka at ang bawat hita mo ay singkapal ng 100 taong troso, wag ka nang magattempt na isiksik mo ang mga paa mo sa isang kulay pulang skinny jeans! Di ka lang mahihirapan dahil napipitpit ang iyon manly/womanly space, mukha pang dambuhalang kamatis ang puwit mo! Kung tinatawag kang bootylicious kapag ganyan ang suot mo, baka ang dahilan lang ay dahil nakakaalala sila ng mansanas o kaya kamatis sa bawat oras na tatalikod ka!

2. Wag niyong gagayahin si ate na naglalakad malapit sa CHE... nagsuot ng brown pants, green shirt, at mga bright yellow na clogs, hikaw na sinlaki ng plato, kwintas, at bracelet... Nuong nakita ko siya, bigla akong nagkaroon ng sudden appetite for mangoes... Siguro dahil mukha siyang naglalakad na puno ng mangga?

3. Kung sinlapad ka ng isang pinto, wag ka ng magattempt na magsuot ng pink na jeans at pink na shirt... Magmumukha ka lang na naglalakad na public urinal ng MMDA!

4. Kung singapayat ka naman ng barbecue stick, wag mo na ring subukang magsuot ng all yellow ensemble at i-highlight ng green accesories. Magmumukh ka lang saging!

5. Black is sexy pero kung ayaw mong mapagkamalang JJ o kaya'y emo, wag mo namang haluan ng balabal at eye make-up na singkapal ng dingding niyo. Baka mapagkamalan ka pa ng mga JJ at isama ka sa kanilang adik-adik sessions.

6. Hindi porke disyembre ay may karapatan kang magsuot ng green pants with red shirt or vice-versa. Mukha ka lang naglalakad na advertisement ng mga pultiko kapag pasko... kulang na lang ay yung "merry Christmas to all" na nakasabit sa iyo.

7. Kung all-green ang ensemble mo, wag mo ng samahan pa ng faux snake-skin na mga sapatos at bag, atsaka mga beaded na green accesories at green na eye make-up... Kamukha mo lang naman si ate sa bus noon... Akala ko isa siyang dinosaur na hindi niya alam na extinct na pala sila!

ARGGGHHH!!! IIKSI ANG SEMBREAK NATIN! HUHUHUHUHHU!
Odie
It's the first anniversary of my multiply blog...  yehey,,,

Anyway, this is the worst registration I've ever had!

Parang lahat na lang ng elemento ay kumukontra sa akin na wag na lang mag-enroll ngayon!

Si CRS, binigyan ako ng 2 subjects pero conflict naman sa kinakailangan kong sked kaya wala ring kwenta...

Bumabagyo!

Bumabaha!

Mabagal ang bus!

Matraffic!

Pinutukan ng transformer!

Brownout at hindi makapagpaenlist

Ang gulo sa dorm

HAAAAAAYYYYY!!!!

Suspended pa ang registration sa college ko...