Odie
Ang Pinoy ay sadyang _________

complete the sentence. Kung ako siguro, sa panahon na ito, ang ilalagay ko ay "may matinding colonial mentality"

Nakakainis lang kasi kung anu-ano ang mga nangyari na sa akin na talaga namang nakakainis na sa sobrang kainisan ay nagiging katawa-tawa na lang... Ang masaklap pa, parang racism ang nangyayari... pero against sa kalahi mo...

1. Sumasakay ako sa tri-sakal... este tricycle tapos noong napasok ko na ang paa ko, tsaka biglang humarurot si kuya papunta sa pinto ng mall. Akala ko naman, may naunang tumawag sa kanya pero noong narinig ko noong tinanong siya nung kasama niyang driver kung bakit niya nga ako iniwan,(kumwari nakasindi ang headphones ko kahit hindi) ang sabi niya lang "Amerikano yung palabas nung pinto. Baka nangangailangan kasi ng masasakyan." WTF! Eh ako, di a nangangailangan ng sasakyan? Nakakainis lang talaga!

2. May nakasakay akong lola sa jeep, at sobrang init talaga sa tabi ng bintana pero dahil ako yung nasa may silong at tinignan ako nung matanda na parang pinapa-guilty niya ako, tumayo na lang ako at binigay sa kanya yung lugar na inuupuan ko. Eh may nakasabay kaming kanong malaki ang katawan... lalake, sinlaki ng maliit na hippo... err... basta malaki naman siya... pero umupo siya sa may bintana kung saan mainit din... dun sa tabi ko. Pagkatapos bumaba nung amerikano, narinig ko si lola. Sabi niya: "Kawawa naman yung Amerikano, umupo dun sa may arawan, ang init pa man din." Kainis ano?

3. Ang ironic ni ate sa tindahan. Nagpapatugtog siya ng "Noypi" pero nung tinanong ko siya kung alin ang mas magandang bilhin na t-shirt, ang sabi niya "mas maganda yung may nakasulat na English... yun kasing may nakasulat na statement sa Tagalog, baduy..."

Hala, madidisconnect na naman yata ako kaya para ma-post na ito, puputulin ko na...
Labels: 2 comments | edit post
Odie
Malaki lang talaga ang galit ko sa mga lalaking nakaskinnyjeans simula ng muntikan na akong tamaan ng hollowblock sa ulo ng sira-ulong jumping jolog na naka-skinny jeans.

Ewan ko, ok lang namang tignan sa babae ang skinnies pero sa lalake, medyo nasasagwaan ako... Hindi kasi lahat ng lalake kayang dalhin ng maayos ang skinnies ng hindi nagmumukhang maangas at katawa-tawa dahil nakikiuso lang.

Kung gusto mo talagan magsuot ng skinnies, siguraduhin mo lang na hindi mo gawin ang mga sumusunod dahil based sa mga nakita ko, mukha silang sira-ulo!

1. Kung alam mong may thunder thighs ka at ang bawat hita mo ay singkapal ng 100 taong troso, wag ka nang magattempt na isiksik mo ang mga paa mo sa isang kulay pulang skinny jeans! Di ka lang mahihirapan dahil napipitpit ang iyon manly/womanly space, mukha pang dambuhalang kamatis ang puwit mo! Kung tinatawag kang bootylicious kapag ganyan ang suot mo, baka ang dahilan lang ay dahil nakakaalala sila ng mansanas o kaya kamatis sa bawat oras na tatalikod ka!

2. Wag niyong gagayahin si ate na naglalakad malapit sa CHE... nagsuot ng brown pants, green shirt, at mga bright yellow na clogs, hikaw na sinlaki ng plato, kwintas, at bracelet... Nuong nakita ko siya, bigla akong nagkaroon ng sudden appetite for mangoes... Siguro dahil mukha siyang naglalakad na puno ng mangga?

3. Kung sinlapad ka ng isang pinto, wag ka ng magattempt na magsuot ng pink na jeans at pink na shirt... Magmumukha ka lang na naglalakad na public urinal ng MMDA!

4. Kung singapayat ka naman ng barbecue stick, wag mo na ring subukang magsuot ng all yellow ensemble at i-highlight ng green accesories. Magmumukh ka lang saging!

5. Black is sexy pero kung ayaw mong mapagkamalang JJ o kaya'y emo, wag mo namang haluan ng balabal at eye make-up na singkapal ng dingding niyo. Baka mapagkamalan ka pa ng mga JJ at isama ka sa kanilang adik-adik sessions.

6. Hindi porke disyembre ay may karapatan kang magsuot ng green pants with red shirt or vice-versa. Mukha ka lang naglalakad na advertisement ng mga pultiko kapag pasko... kulang na lang ay yung "merry Christmas to all" na nakasabit sa iyo.

7. Kung all-green ang ensemble mo, wag mo ng samahan pa ng faux snake-skin na mga sapatos at bag, atsaka mga beaded na green accesories at green na eye make-up... Kamukha mo lang naman si ate sa bus noon... Akala ko isa siyang dinosaur na hindi niya alam na extinct na pala sila!

ARGGGHHH!!! IIKSI ANG SEMBREAK NATIN! HUHUHUHUHHU!
Odie
It's the first anniversary of my multiply blog...  yehey,,,

Anyway, this is the worst registration I've ever had!

Parang lahat na lang ng elemento ay kumukontra sa akin na wag na lang mag-enroll ngayon!

Si CRS, binigyan ako ng 2 subjects pero conflict naman sa kinakailangan kong sked kaya wala ring kwenta...

Bumabagyo!

Bumabaha!

Mabagal ang bus!

Matraffic!

Pinutukan ng transformer!

Brownout at hindi makapagpaenlist

Ang gulo sa dorm

HAAAAAAYYYYY!!!!

Suspended pa ang registration sa college ko...
Odie
Itong blog na ito ay isang paghihinaing...

Dati, banyo lang ng dorm ang kinukupalan... este... kinritisisays ko... ngayn naman, ang mga SEVEN Bad people to have as your roomamates! Di naman worst dahil hindi pa naman sila mga killer at rapist...

one: The Maniac
Imaginin mo ang roommate na manyak... walang ginawa kundi ang manuod ng porn at gumawa ng who-knows-what sa inyong kwarto. Imagine yourself going in and seeing something you shouldn't have seen!

two: Boom! Kablag!
Ala-una ng umaga... at biglang may kumakalabog sa inyong kwarto... Yun pala, naisipan ng roommate mo na mag-ayos, mambalibag, at gumawa ng anu-anung ingay sa kuwarto kahit na alam niyang tulog ka na!

three: Are you afraid of the dark?
Maliban sa magastos sa kuryente ang mga taong ito, wala silang paki kung  tulog ka na at may maaga kang klase, or kung wala namang tao sa room at may araw pa naman! Argggh! Minsan kasi, ang mga tao, sisindiin ang ilaw sa kalagitnaan ng iyong pagtulog!

four: ang manhid
Marami ring mga taong manhid. Yun bang nagpaparamdam ka na na naiinis ka na ng konti-konti sa roommate mo pero tuloy-tuloy pa rin ang ginagawa niyang kamalian!

five: Selfish type
Ang mga ito, kung umasta, akala mo kanila lang ang room! Biglang papasok sa room, sisindiin ang ilaw... papatayin ang ilaw kahit na nagbabasa ka... sisindiin ang lahat ng ilaw pati yung sayo... Ilolock ang kwarto kung lalabas ka lang naman para magtoothbrush or maligo... at marami pa

six: Sharing Blessings... without me knowing
Ang mga ito ay ang mga taong pilit na ginagamit ang mga kagamitan ng roommate kahit na walang paalam... Kukuha ng food, kakainin ang food, kakalkalin ang ibang gamit, gagamit ng shampoo, gagamit ng DEODORANT, magi-isparay ng pabango... etc... lahat ng WALANG paalam. Darating ka na lang minsan, amuy-na-amuy ang spray-on DEO mo kahit na nagdeodorant ka naman sa banyo at hindi sa kuwarto.

Seven: Pavictim effect
Minsan, kainis lang, pagkatapos ng lahat ng puyat, at inis na dunulot sayo ng roommate mo, siya pa ang may ganang magpakabiktima na paikot-ikot sa kama, tatakpan ang mata, di mapakali, etc. kapag isang beses lang naman ay sinindi mo ang ilaw ng alas-5 ng umaga dahil may klase ka ng alas-7 at nangangapa ka ng mga gamit mo dahil makulimlim ang panahon.


Labels: 12 comments | edit post
Odie
Mahirap mabitin kasi...













































































































































kapag...
Odie
Matagal ko ng iniisip kung bakit sa lahat ng taong nakilala ko, ako lang yata ang alam kong walang baywang... Madalas, ang napagkakamalan nilang bilbil ko ay hindi naman bilbil ano... kundi ang aking pelvic bone slash hip bones... Eh kasi naman... meron ba akong magagawa kung ang genes ng nanay at tatay ko ay parehong may lamang long-leggecodons... or alleles... whatever...

Anyway, matagal ko na ring iniisip kung anu-ano ang mga benefits ng isang taong tulad ko... walang baywang! Kung meron man kasi akong baywang, siguro one inch lang yun... kasi after ng last rib ng aking rib cage, mahahawakan mo na ang pelvic bone ko! Kung di ka pa rin naniniwala, pataasan na lang tayo ng pusod...

So eto ang mga naisip kong mga PRO's ng pagiging tulad ko at ng aking mga kapatid:

1. Mas mabilis kaming maglakad bilang mas malaki ang space na nadadaanan namin sa bawat hakbang namin.

2. Kahit na mag-gain ako ng weight, hindi naman agad naiipon sa tiyan namin... ewan ko, wala naman kaming lahat ng nakabural na tiyan kahit na yumaba ako... or baka ibang genes pa iyon?

3. Mas cute tignan ka[ag sumasayaw... parang sobrang haba na nglegs namin kahit di pa naka point ang toes
Ayun... naubusan na ko...

Con's naman:

1. Kapag umupo ako sa tabi ng pinto ng jeep, sarado na agad ang daanan...

2. Bansot ako kapag nakaupo... maliit kasi ang torso namin

3. Mukha kaming may love handles kahit na pelvic bone lang yun

4. Wala kaming waist...

5. Kahit na hindi low-waist jeans ang suot namin, low-waist pa rin yun... bilang sobrang taas ng waist namin.

6. Mahirap mag-stretching bilang mas malayo ang inaabot namin kapag inaabot na ang talampakan...

arrggghhh... CRS... heto na naman kami! At bakit wala ng slots ang PE?
Odie
One word: YUCK!
Grabe lang! Kung ang dati kong post ay tungkol lang sa CR, ngayon ang ikukwento ko ay tungkol sa cubicles... EEEEEEEEEEW!

UNA: Dagat ng Kadiri-dirihan
Pagpasok mo sa banyo namin, ang unang papasok sa isipan mo ay: " Wow! may dagat sa dorm!" Kasi naman, kahit gaano pa kataas ang tsinelas mo, abot-talampakan pa rin ang tubig... Pero kung iisipin mo kasi kung saan nanggagaling ang tubig na yun eh sa dalawang nakakadiring bagay lang naman pwedeng manggaling: either hindi na-shoot na peepee ng nagweewee o kaya ay tumalsik na pinaghugasan ng puwet ng umupo sa trono... either way, EEEWWW!

IKA-2: Wee wee tsunami
Di ba nga ay may dagat sa loob ng banyo? siyempre, di mo maiiwasan ang magkaroon ng malalaking waves sa dagat di ba? Kaya naman kapag nafeel mo ng aalon ang *tubig* ehem... sa dagat ng aming dorm eh tumakbo ka ng parang may paparating na tsunami! Unless, of course, na gusto mong madapuan ka ng wee wee ng ibang tao pag katatapos mo lang naligo...

IKA-3: Sinabi na nga kasing sit like a Prince not like a frog!
Bakit? feeling yata ng mga nasa dorm ay sila ang frog prince! Imaginin mo wala kang makikitang paa sa ilalim ng pinto ng cubicle pero pagbukas mo eh meron palang nakikipag-appointmnet sa Royal Throne Room! Kainis kasi minsan... lalo na kapag nagLBM si prinsipe... nalalagyan pati ang water tank... EEEWWW!

IKA-4: Wash it. Don't forget it!
At dahil may dagat nga sa aming banyo, nagkakaroon ng partial mirror sa floor... e kasi minsan nakikita mo ang shadows ng mga nasa loob ng cubicles... kadiri lang si kuya nung minsan... Dinig na dinig ang kanyang pag-ire at pagkatapos niyang nagPUROROOT ng napakalakas ay tumayo siya, finlush ang bowl at pagkatapos sinuot na ang shorts... OMG moment! di ako makakain ng buong araw nun!

IKA-5: When you wash it, Do it properly!
Ok... yung isang kuya naman, nagLBM yata... diretso minsan sa toilet... at pagkatapos ng appointmnet niya ay narinig namin siyang nagwash... pinagtakahan lang namin ay wala naman siyang dalang timba o tabo... yun pala, ginamit niya yung tubig sa bowl mismo!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! YYYYYYAAAAAAAAAAAAAK! kaya pala may mga UFO (unidentified floating objects) ang aming tubig kapag finlush mo...

At nangyari lahat yan within two weeks ng summer classes... HAHA... err... kung nagpapapayat kayo e di alalahanin nyo tung mga to tuwing kakain kayo!  HEHEHEHE
Odie

Bilang nagkansel ng appointment ang tinuturuan ko ngayong summer at dahil inutusan akong ako ang magtao sa bahay, gumawa na muna ako ng poussecafe bilang pampalipas oras.

BTW Matagal na ang picture na ito...

 

Hindi po kandila yan ano... inumin talaga yan...

Odie
Two words: Ang Init!
Nakaupo na ako sa computer shop pero pinagpapawisan pa rin ako. Sa sobrang init, konting galaw at konting kembot lang e isang timba na ng pawis ang ilalabas mo! Di ko nga alam kung bakit di pa ako nababaliw... o baka naman matagal na akong baliw kaya akala ko lang di pa ako baliw kaya iniisip kong mababaliw ako sa sobrang... OK! Back to topic...

Sa sobrang init ay napapatulala na lang ako minsan sa French 10 class ko at nag-iisip ng mga walang kwentang paraan para mapreskohan naman ako ng kahit konti man lang. Heto ang mga naisip ko na:

1. Mag-check-in sa cheap na hotel, basta may bathtub. Tapos bumili ng isang bag ng tube ice tsaka magbabad ng mga sampung minuto... Tapos mapahid ka ng alcohol at tumapat sa air-con.

2. Bili na lang ako ng crushed ice at ilagay sa loob ng damit ko... Di rin naman mapapansin na basa ka dahil basa ka na kanina pa sa pawis.

3. Pasok kaya akong basa ng tubig ang damit ko?

4. Magpunta sa swimming pool at magbabad... habang kumakain ng halu-halo, mais con yelo, tsaka saba con yelo at umiinom ng fruit shake at iced tea frappe.

5. Mag-imbento kaya ako ng portable shower with curtains? Para kapag gusto mong maligo, ilabas mo lang sa bag mo at magasa ka na...

6. Bili kaya ako ng isang bloke ng yelo tapos itapat ko sa electic fan para lumamig kahit konti yung hangin?

7. Mag-imbento na lang kaya ako ng transporter para hindi ko na kailangang maglakad ng malayo papunta sa mga klase?

8. Makisit-in kaya ako sa mga air-con ang klase?

9. Magdala kaya ako ng jug tapos kapag umiinit na yung ulo ko, bubuhusan ko na lang ng isang baso ng tubig?

10. Sana magkaroon ako ng power ni Iceman para mabilis akong makapagpalamig...

Aie! Tunaw na na ang utak ko... Good uck na lang satin sa ating mga summer classes...

Buona fortuna! Bon chance!
Labels: 3 comments | edit post
Odie
Bilang tapos na ang Academic Year... er almost... naisipan ko lang maglagay ng mga random ramblings na hindi ko kayang sabihin ng diretsahan sa kanila... Not to worry, vague naman tong mga to... pero malay niyo pareho pala tayo ng iniisip di ba?

1. Love? Dearie, ang "love" ay hindi pinipilit sa isang tao. Kapag sinabi mong love ka nya, siya lang makakapagsabi kung totoo nga yun! Erm... Impose mo ba naman sa kanya na mahal ka niya... Love ba yun o overly possessive ka? Sus! Di rin ako makapaniwalang nagagalit ka sa mga kaibigan niya dahil minsan ay sa kanila siya sumasama... Excuse me ha pero di ba nauna silang makilala niya? Tsaka hello kaibigan niya rin naman yung mga yun! Feeling mo possession mo siya?

2. Hindi naman kasi lahat nasabihan, bilang lima lang talaga dapat ang sasama. Atsaka between friends lang talaga... Nagkataon lang na naparaming sumama at magkaka-edad pa kaya lumabas na ibang bagay yung hindi naman pinlano.

3.  You need to be sensitive about what you are sending to people. What you are sending is so out of line! Imagine yourself to receive a message everyday which had nothing to do at all with you and it is a whole lot of crap.

4. I reaaaaaaaallllllllyyyy like you a lot! Kumpleto ang araw ko kapag nakikita kita... (Ang cheezy haha)

5. Kasalanan mo kung bakit ganyan ang nangyari! Di mo ba naman ginawa ang dapat mong gawin tapos sasabihin mo friends kayo kahit na bastos ang paraan mo ng pakikipagkaibigan...

6. Nakakainis ka! May ipapagawa sa iyo tapos di mo gagawin ng maayos! Hindi ibig sabihin na delayed ka na sa dahil kalilipat mo lang eh may karapatan ka ng i-delay din ang groupmates mo sa pamamagitan ng di paggawa ng dapat mong gawin. The fact na mas matanda ka, you should've been more assertive! At least now I know that I don't want to see you next sem...

Oh well... napakaboring ng buhay kapag walang ginagawa...
Odie
Matagl ko ng iniisip kung paano malalaman kung matanda ka na nga... Ayun nalaman ko rin ang sagot!

Alam mong matanda ka na kapag:
1. Inaabutan ka na ng flyers... Yun nga lang ang laman ng flyers ay house and lot atsaka kotse.
2. Kapag nasagi mo ang katabi mo sa bus, titignan ka niya na parang magnanakaw ka.
3. May kulubot ka na
4. wala ka ng araw na feeling mo e misunderstood ka
5. you feel old
6. mabilis na mabilis na ang oras
7. Sumasakit na ang kalamnan mo
8. Tinatamad kang gumalaw
9. Di ka na pinapatulog ng maaga sa bahay
10.Alam mong matanda ka na!

Summer na... at bagong gupit na naman ako... masasabi ko lang, "Oy! Who destroyed me?!"
Odie
WOOOKKKEEEIII!

Sa pagkadami-dami ko ng beses na gumamit ng internet shop, marami na rin akong mga awkward moments, creepy moments, at funny moments dito... Pero marami rin namang inis moments... Mashare ko lang sila ngayon

Sa awkward moments muna:

Minsan, yung katabi ko biglang umungol sa chair niya... akala ko naman tinamaan ko siya or something... kaya nagpasorry ako sa kanya. Pero tiningnan niya lang ako ng masama. kasi naman pala, nung napatingin ako sun sa screen niya, may kausap siyang guy na may *ginagawang kababalaghan*.... EEEWWW!

Awkward moment number 2:
Nung inalis ng katabi ko ang takip ng flash disk niya, biglang lumipad ang takip papunta sakin... ang problema lang, natatawa ako sa kausap ko sa YM... kaya ayun, nashoot sa bunganga ko ang takip...

Awkward moment number 3:
Nag-internet shop ako kahapon... ang problema lang ay weirdo o geek yata ang katabi ko... Kung di man siya geek, sabihin na lang nating mababa ang social skills niya. Biruan mo, ang ingay-ingay niya dahil kausap niya ang sarili niya like this: "Hmmm... bakit kaya wala pa ang sinend niya? Hala hindi kasya ang flash disk ko... Hmmm... magfirefox kaya ako? Naiihi ako... " at ganito siyang tumawa : A huh. huh. huh. huh. *higop laway* huh. huh. huh."

Funny moment naman
Habang nasa shop ako ngayn, may nagkakanta dito... nagkakanta siya ng sobrang lakas pero sobrang sintunado niya! Kinanta niya ay through the rain at eto pa... Ang laki ng boses niya!

Creepy moment:
Minsan, ginabi ako sa isang internet shop... kita ko sa reflection sa screen ko na may nagsusurf dun sa computer sa likod ko pero nung tumingin ako narealize ko na ako na lang ang customer... At pagkatapos ay nagbrown-out...
Odie
WeeeEEEEH!!! CRS Enlistment na naman kaya heto na naman ang isang stressful na panahon sa buhay ng UP student... take note, kasabay pa nito ang finals!

May isa lang maidudulot na maganda para sa summer ang Enlistment... Papayat ka ng husto! Bakit kamo?

Una!
Sa sobrang pag-aalala mo e wala kang ganang kumain. Kasi naman kung di ka maeenlist e napakahaba ng gagawin mong mga steps para lang makakuha ng subject. Problema lang, di ka pa sure na makukuha mo nga yung mga yon sa prerog!

Due!
Sa sobrang stress, wala ka ng gagawin kundi ang huminga na lang at tumutok sa tapat ng monitor upang mangarap na sana'y biglang magkahimala at magbago ang enlisted subjects mo!

Tre!
Mawawalan ka na ng time na kumain dahil maghapon ay naktirik lang ang iyong mata at nakaluhod... Nagdadasal na sana'y pagpalai nawa ng Diyos ang iyon napakalungkot na buhay CRS.

Quatro!
Mauubusan ka ng enerhiya sa kakaisip kung ano ang maaaring mangyari kapag wala kang nakuhang subject... kaya wala ka ng ganang kumain at Biruan mo, delayed ka pa!

Cinque!
Mawawalan ka ng ganang kumain kapag naaalala mo ang iyon naunang pakikipagsapalaran kasama si CRS... bigla ka ba namang maenlist sa terror na prof... o kaya, mabigay sa walang kwentang subject... o kaya ma 0 units kapag kapanahunan ng series mo! Tsk tsk!

Ayan! Nakapagpost ako ulit after a long hiatus! WEEE! Tsaka Italian nga pala ang numbers diyan... kailangan kong magpraktis dahil abbiamo un esame finale!

Isa lang ang masasabi ko... "E 'bello essere di nuovo!"(It's good to be back!)
Odie
AUUUURRGGGGGHHHHH!!!!
 I hate internet disconnections....

Kay naman hindi ako nakakapagpost sa pagkatagal-tagal na panahon e dahil wala akong panahon mag-internet... or kung mayroon man akong panahon e wala namang connection ang DSL sa bahay... haaaaAAAAAYYYYYyyyy!

Marami pa man din sa ana akong ipopost last week kaya lang baka hindi na muna...

Medyo matagal pa bago ako makapagpost ulit...
Labels: 0 comments | edit post
Odie
Kung hindi niyo pa alam, meron kaming CWTS at yun ay ang NSTP namin... Kung kayo'y taga-ibang skul, maaaring LTS, CWTS, or ROTC ang ginagawa niyo. Ang CWTS ko nga pala ay rappelling at yun ay yung pagbaba sa dingding na matataas... Yun nga lang, di namin iisiping may kasamang camping yun sa may Makiling.

Ang camping namin ay dalawang gabi kaya naman haggard kami... at PUMAYAT! YEEEEAAAHHHH! Pumayat kami... first day pa nga lang, lumuwag na ang pantalon ko... seriously.

At dahil nga sa camping, meron din akong natutunang importanteng mga bagay-bagay...

1. Importanteng walang fiber ang iyong kinakain dahil kung ayaw mong jumebs e dapat wala kang ijejebs. Importante yun dahil ahirap talagang jumebs dun sa "banyo" namin. Dahi dito, natuto akong magbasa ng Nutritional Facts ng mga pagkain. Biruan mo, ang lahat ng pinili ko e 0% at 0 g ang mga Dietary Fiber. At kung alam niyo lang, ang hirap din palang maghanap ng mga iyun. Ang V-Cut nga pala e magandang dalhin pag camping at pangit namang dalhin ang Nova.

2. Masaya palang maligo at magjebs ng magsabay ang mga boys at girls... Hehe Ang banyo nga pala namin ay unisex kaya naman NAPAKAHIRAP... I repeat... NAPAKAHIRAP maligo at jumebs ng mag-isa dahil kung walang nagbabantay sa labas e baka me makasilip sa iyo habang ikaw ay may miting kasama si Superman o kaya naman ay naglilinis ng putik sa katawan. Pero dahil nga unisex, pwede ka munang makipagkwentuhan sa girlfriend o boyfriend mo habang naliligo kayo o kaya naman e jumejebs... At least may bonding moment pa rin kayo di ba?

3. Napakalaking importansya pala ng swimming sa buhay natin dahil kung walang swimming e wala ring mga swimming pool. At kung walang swimming pool e wala ring mga shower rooms sa resorts! At kung walang shower room sa resorts e hindi kami makakaexperience ng pagligong maayos at pagjebs ng maayos. Yun bang wala kang worries na masilipan ka sa iyong private moments?

4. Buhay ng matatanda... period. At kung sasabihin pala sa inyo ng mga magulang at lola mo na dati-rati e alas kuwatro pa lang e nakagising na sila, ang sabihin niyo e alam na namin kung bakit. Biruan niyo, kailangan mong maglakad ng 500 meters papunta sa banyo at 500 meters pabalik mua sa banyo. Tapos magsisiga ka pa, magluluto, magtutoothbrush dun sa malayng banyo... before you know it, gabi na ulit!

5. Nakakapayat ang camping. Dahil nga sa ayaw mong kumain dahil ayaw mong majebs e wala ka ng source of energy kundi ang stock na lang ng katawan mo... Tapos lalakad ka pa ng malayo everytime na kailangan mo lang umihi. Tapos may trekking ka pa, navigtion, swimming, pagluluto... kaya total calorie burn ang mafifeel mo... Pati sa pagtulog e naeexercise ka dahil kailangan mong magstretch at magpower yoga para lang hindi ka mahiga sa isang bato sa ilalim ng tent niyo. At totoo ang sinabi ko sa taas na first day pa lang e lumuwang na ang pantalon ko.

6. Dapat ay matulog ka... Dahil kung kulang ka sa tulog e baka mangyari sayo ang nangyari sa kasam ko sa tent na itatago ko na lang sa pangalang "Julius". Eto nga pala ang dayalogo. Ako si O, Si C ang kasama ko, si Julius si J.
O: Julius, tulungan mo nga kaming buksan itong sako ng bigas natin. Di namin maalis ang buhol e.
J: Ha? May Nagtext?
O: Hinde. Sabi ko di namin mabuksan ang sako ng bigas.
J: May nagreply?
O: ...
C: Julius, matulog ka nga muna ulit! Parang nananaginip ka pa e!
J: Hinde kasi ano... *mumble mumble* zzzzzzzz

The next day:
O: Sh*t! Ang bigat mo Julius! Bakit kasi kailangan ka pang itayo para lang magising ka?
C: Hoy Julius! GISSSEEEEENG! Magsasaing at magsisiga pa tayo!
O: O ayan nakamulat na ang mata... Julius, asan yung sako ng bigas?
J: *gagawa ng nguso sa bibig at tatango tapos bagsak ulit sa unan*
O: naman e!

7.Pork en Beans... Malaking problema. Mahirap magdala ng pork and beans sa camping dahil alam niyo naman na ang beans e parang secret source ng methane sa mundo. Kaya naman nung may umutot sa tent namin e parang nahigh yata kaming mga nasa loob sa sobrang bagsik... Ang problem lang walang gustong umamin pero siyempre ang unag suspetsa e yung kumain ng pork and beans di ba?

8. Wag magpaarte-arte kung isa kang bitchessang malandi at naisipan mong magcamping. Asahan mong magiging maputik, marumi, mabaho, at matrabaho yun kaya naman sa mga taong nagawang mag-usap ng ganito sa camping e bilib ako sa groupmates niyo dahil ang taas naman ng tolerance level nila na huwag kayong bagukan sa ulo ng mga de lata, o kaya ng sako ng bigas...
girl1: Yuck! Kuya, pwede bang magpadeliver na lang kami ng portalet? Like kasi the banyo is so malayo.
girl2: Ya kuya... and like the food here is so kadiri... my groupmates are like so not good cooks (habang nagluluto ng ulam ang groupmates)
girl3: Yeah and pwede bang simetuhin na lang next time to coz my shoes are being stuck sa putik dito. (bakit naman kasi naisipang magsuot ng sandals na may heels?)
G1: AAAAAAAYYYY!!!!! there is something on my hair! OMG! Anu ito!
g2: AIIIIEEE! OMG baka lamok na malaki... huhu I WANNA GO HOME NA!
Junior Instructor: dahin lang kasi ng puno yung nasa buhok mo dear.

9. Dapat magdala kayo ng isang pampalipas oras na hindi naman mabigat o mahirap dalhin... Magandang magdala kayo ng baraha. Mahirap kasing mabagot habang ikaw ay nasa loob ng tent at walang ilaw kundi lang ang flashlight.

10. At siyempre, dpat ay may pantakip ka ng tenga... mahirap na kapag may sobran lakas na humilik sa kabilang tent... Baka di ka makatulog e...

Nakauwi ako sa dorm ng buhay naman pero ng maliligo ako, tsaka ko narealize na wala daig pa pala ng banyo namin sa dorm ang banyo ng campsite... Biruan mo, may palaka sa loob ng shower cubicle! But that is another story... HAHAHA....Haaaay...

Parang mas gusto ko pang magcamping na lang kesa humarap sa mga prof na sadista. At least masaya ang camping at magiging well-bonded pa kayo ng groupmates mo.
Odie
Reuters - Saturday, January 24

LAGOS - Police in Nigeria are holding a goat on suspicion of attempted armed robbery.


Vigilantes took the black and white beast to the police saying it was an armed robber who had used black magic to transform himself into a goat to escape arrest after trying to steal a Mazda 323.

"The group of vigilante men came to report that while they were on patrol they saw some hoodlums attempting to rob a car. They pursued them. However one of them escaped while the other turned into a goat," Kwara state police spokesman Tunde Mohammed told Reuters by telephone.

"We cannot confirm the story, but the goat is in our custody. We cannot base our information on something mystical. It is something that has to be proved scientifically, that a human being turned into a goat," he said.

Belief in witchcraft is widespread in parts of Nigeria, Africa's most populous nation. Residents came to the police station to see the goat, photographed in one national newspaper on its knees next to a pile of straw.

Labels: 2 comments | edit post
Odie
A few things I have learned about college:

1. Your gut-feeling is one of the most important thing you can have in life. Ang kutob nga ang magsasabi sayo kung tama ang yong ginagawa... sa exams man o sa mga desisyon sa buhay.

2. Goodbyes are realities of life. Get used to it!

3. College is always changing but high school is forever! Naks! Totoo naman di ba? Iba ang mga kaibigang kasama mo sa high school at iba rin ang kaibigan mo sa college... literally at figuratively. Di ba?

4. People you meet in freshman year will never stay the same... or perhaps you haven't known them that well. Either way, they'll change to the worst or the best people you could meet in college. *ehem*

5. Never dull your shine for somebody else... That means:  never forget that you have your own pride as well.

6. Music is one of the best friends you could ever have.

7. People who expect you to grow up are those who are childish themselves.

8. Kakapalan ng balat ang isa sa mga pinaka-importanteng katangian sa pagsama sa mga org. Kailangang marunong kang tumanggap ng kritisismo at marunong ka ring mambato.

9. Keep your own style but learn how to properly groom. Alisin ang bigoteng nakakairita, mag-shave kungkinakailangan, mag-ayos ng buhok, magDEODORANT, WAG gumamit ng deodorant ng iba, alisin ang MONOBROW at higit sa lahat, magtoothbrush!

10. Stay true to who you are and how you've been grown. Never try to fit in a group who can only expect you to be a square in a "circle" of friends. Sa madaling salita: kung biniBI ka lang naman ng mga so-called "friends" mo, maghanap ka na lang ng bago... It's not worth it. You'll gain new "friends" but you'll lose all the more important ones who really care.
Labels: 4 comments | edit post
Odie
ARRRRGGGHHH!!!!!

Enero na naman at panahon na naman ng mga nakawan sa mga dormitoryo sa UP... Mabuti na lang at linagay ko ang laptop sa loob ng kabinet ko. Ang problema ay kinuha naman sa akin ang adaptor ng laptop ko kaya hindi ako makagamit nito ng maayos.

Ang tanong ko lang talaga e bakit pati ang laptop charger ko na nga lang e pinagtripan pa??? Yun pala, ang presyo ng isang adaptor e daig pa ng isang overnight stay na group price sa Manila Peninsula Hotel! Sus! Ano na ang gagawin ko???? Meron kaya sa Greenhills?

ARRRGGGH! At yan din ang dahilan kung bakit NAPAKATAGAL kong hindi nakapagpost ng blog entry dito.


Odie
UGH! First week of the year, first week of classes, and a whole lot of firsts and I'm already stressed as hell! UGH! First exams of the year...
As a stress reliever, I will blog about a few "You know you're stressed when...'s"

1. You know you're stressed when you always read the word stressed as desserts!
Yum! Yum! and Yum! I always have a craving for something gooey, sweet, and creamy when I'm stressed.

2. You know you're stressed when all you want to do is sleep.
Err... who does not want to sleep anyway? But I do feel extra sleepy when I'm stressed out.

3. You know you're stressed out when you act as if you've downed 10 cups of coffee.
I remembered my classmate. He was so stressed out that he stumbled, fumbled, laughed, cried, and got angry during the first 15 minutes of the class!

4. You know you're stressed when you st... st... stuttt... stutter
For example... another classmate : "I t..t...took th..this subject b..b..because I'm so strESSSSed already. I think th..that it will help m.mmm.me relax a bit.

5. You know you're stressed when you can't wait for the weekend
This could mean two things: Either you're stressed out or you're just plain lazy!

6. You know you're stressed when facts keep jumbled in your head.
Who is the husband of Nida Blanca? A: Dennis Rodman!
What does germ mean? : er... can I get a hint?

7. You know you're stressed when you hear words differently.
"Have you seen my bag" would sound "Why you may libag?"

8. You know you're stressed when you look like the big bad wolf, the evil queen, and the witch all rolled into one.
Come on! A stressed person has the big red eyes of the wolf, pimples of the witch and the humor of the evil queen... none at all!

And of course, you know you're stressed when you know you are stressed!
Labels: 2 comments | edit post
Odie
Eto na ang picttures ng aming medyo sira-ulong family sa father's side ko. Hehe. At nagpapasalamat naman ako na sila ay masayang kasama di tulad ng mga boring... err... mature na mother's side ko.

Recap: Costume contest na individual sana... dapat ay Emo, Geek, Punk, or Jumping Jologs ang suot... kaya lang naging group contest na lang dahil mahirap magjudge kung isa-isa dahil lahat kami, magaling! Hehe

Ang aming pagkain sa party namin ay pang-JJ... isaw, hotdog, at adidas... pero mga mayayamang emo yata ang mga kasama nila dahil may Sangria kami by yours truly, at carbonara...

Anyway, naging tie ang kinalabasan between geeks and emos.

May mga quotes od the day pala kami.
Geeks: "Emos suuuuck! Youuu suck!"
            "The Sun is the Center of the Solar System."
Emos: "We don't speak... Emos 4ever" (nakasulat lang sa papel)
J.J.'s : "WOOOOOOOH!"















Labels: , 5 comments | edit post
Odie
So we had our costume contest and since most of our cousins also went in same outfits, our costume contest became a group contest. The contest came down between the Geeks, The J.J.'s and the Emos.

The judges had a hard time deciding so it was declared a tie between the Geeks and the Emos! Yay! So I still get to keep the title for one year!

Here are some solo pics which I think are HORRIBLE! If it ain't for the sake of fun and family, I'd never do this! The group pics will be posted soon!