It always sucks when you are riding a bus and then suddenly, the person in front of you starts to smoke and your throat starts to dry up from the irritation.
So here are 5 *tips* ehem... on how to say you don't want a smoker near you... They actually work!
1. Ehem... ehem...
Kontratahin mo ang kapatid mo at sabihin mong umubo kayo ng sobrang lakas... ganito o:
Ikaw: *ubo*
katabi" *ubo*
I: *ubo ubo*
K: *ubo!*
I: *eeecck* *UBO!*
K: di *ubo* ako makahinga *ubo* may asthma kasi ako
I: naospital nga kasi ako dati dahil nanigarilyo yung *UBO!!!!!!!!!!!!* katabi naming bahay e...
Tignan natin kung di makonsensya yung tao... hehe
2. Die... Die...
Kausapin mo ang katabi mo kahit di mo kakilala. "Alam mo ba? Namatay ang lolo ko sa sakit sa baga. Kasi naninigarilyo siya e. Ayun, naopera sa throat kaya nagmukhang alkansya. Tsaka isa pa, nung tignan yung baga niya, may mga patung patong na tumors dahil sa paninigarilyo e. Tsk tsk... kaya ikaw, ipromise mo di ka maninigarilyo ha! Tsaka alam mu ba? Yung lolo ko, namatay ng 40 years old... pero mukhang eighty years old na... sigarilyo kasi e..."
3. Patayin sa Sindak!
Biglain mo ang smoker: "Excuse me! Di mo ba alam na pinapatay mo ako dahil sa usok mo? Gosh! Napakaramot mo dahil binabawasan mo ako ng seventeen minutes ng buhay ko! Grabe ka lang ha! Kung gusto mong magpakamatay, magbigti ka na lang. At least, hindi ka nakaperwisyo sa hindi mo naman kilalala... Grabe ka talaga! At hindi mo ba alam? Labag sa batas ang paninigarilyo kaya pwede kang mamulta... o kaya makulong!" (Sindak lang naman e he he)
4. Pangit mo...
Kung wala pa ring kwenta, diretsahan mo na at sabihan na ng *medyo* insulting na salita na konektado sa paninigarilyo niya... lalo na kung babae siya.... Pwede mong sabihin " Hi miss... ang ganda mo naman... ay miss, hulaan ko po ang ulam mo kanina... pusit no? Kasi uhm... may itim pa po kayong tinga-tinga sa mga ngipin niyo e... ay tsaka may itim ka pa sa labi mo e... eto punasan niyo po o. Di ka ba nagugutom? Kasi amoy usok e... para tuloy may nagbababarebecue dito. Siya nga pala, ang lakas niyo pa po para sa edad niyoo! Biruan mo nakakapagbiyahe ka pa kahit na mukhang magootsenta na po kayo... ay hindi ka pa otsenta? Ay sorry! Ilang taon ka na ba? Ha? Beinte ka pa lang? Miss naman, wag kang magloko, siguro kwarenta ka na no?" Hehe...
5. Extreme...
Bigla kang tumayo, tawagin ang konduktor at sabihing: "DI AKO MAKAHINGA! DALIAN NIYO WALA AKONG GAMOT! MAY ASTHMA KASI AKO AT BAWAL AKO SA USOK! PAKI TIGIL ANG BUS... KAILANGAN KO NG HANGIN! HINDI NA TALAGA AKO MAKAHINGA. *HIMATAY* siguro naman tumigil na iyung naninigarilyo nito... hehe
