Odie
Prerog- a contraction of prerogative.

Synonyms: students' calvary, kamatayan, pamatay, sakalan, patayan, arrggghhh!
Antonyms: Cloud 9

Ano ba ang prerog? Para sa mga di taga-UP, idedefine ko. Kapag kasi di ka nakapasok sa kinakailangan mong klase sa Unebersidad ng Pilahan... este Pilipinas, magmamakaawa ka sa mga prof na tanggapin ka sana sa klase niya.... well, DATI YUN!
Ngayon, kapag prerog, ang ibig sabihin, pipila ka sa iba't ibang colleges at departments para lang makakuha ka ng 3 units na subject. Siyempre, unahan sa pila yun. Kung tatlo na lang ang slots, Mga 150 pa ang kaaway mo sa pila. Ang problema hindi porke nauna ka, ikaw na ang pasok sa klase. Dipende pa rin kung available ka sa time na may slots pa. Intindies?

So paano ka kamong mabubuhay sa prerog? Nagcompile ako ng pitong tips para mabilis kang makapagprerog:

One: The Early Bird Catches the Worm...
In this case, ang maagang gumising, mas malaki at mas marami ang mga pwedeng makuhang subjects. Siyempre naman kung gumising ka ng alas tres at nangangailangan ka pa ng tatlong subjects, malamang naubusan ka na di ba? Kaya mag-alarm ng maaga. Di bale ng mauna ka pa sa prof... basta ikaw ang gumagawa ng pila!

Two: Mag-imbento ng sistema kung saan makakalamang ka...
Siyempre, kung alam mong dumarami na ang mga tao at natatakot kang baka maunahan ka nila sa prof dahil mas charming sila, eh di kumwari sabihin mo, nakapila. Kumuha ka ng papel tapos isulat mo ang pangalan mo... Sabihin mo waitin list yun! Pwde rin, makipagkontrata ka na sa mga kilala mong Early Birds. Sabihin mo isulat ka na nila sa waiting list!

Three: Be Sly
Wag kang papaloko... Manloko ka! Sounds cruel but it's better that you are the one playing than being played... Sa madaling salita: Unahan mo ng sindakin ang mga kaaway mo sa slot na alam mong maninindak din naman. Kung kaaway mo e di mas madaling gawin ito! Pwede mong sabihing mas maraming open na classes sa Math 2 kung alam mong gabundok ang open slots sa Envi Sci 1. Kung inuunahan ka ng kunsensiya mo, go to number four or five.

Four: Wear rubber shoes, mag cardio excercises a week before, at matutuong tumakbo ng matulin
Kung ikaw ay nasa math building at kailangan mo ng Econ, tumakbo ka na lang papuntang School of Economics. Mas mabilis kaysa sumakay ka ng jeep na iikot pa sa bung campus. Kailangang mataas ang stamina mo kung tatlong subjects na magkakalayo ang hinahabol mo.

Five: Learn the power of reverse psychology
Kung alam mong galit sa iyo ang isang tao, hwag ka ng magbigay ng effort na tulungan siya. Di ka naman niya tinutulungan bakit mo siya tutulungan? Imaginin mo, wawarningan mo na ang isang shiftee na bastos at b*tchy.... err... isang taong kinaiinisan mo na huwag ng magpunta sa isang luga dahil closed na. Pero siyempre dahil galit din siya sayo, magpapakapagod siyang tumakbo papunta sa pinanggalingan mo... Hehe... Kailangan mong matutong magsalita sarcastically...

Six: Read emotions
Kung ikaw ay papunta sa isang building, basahin mo ang mga hitsura ng mga papalabas. May nakasimangot at may nakangiti naman. Kapag marami ang nakasimangot na nakasalubong mo, takbo na sa iba. Ubos na ang slots sa subject na yun. Kung nakangiti, kailangan mong malaman ang ngiting satisfied at ngiting hopeful. Hehe. Kapag ngiting satisfied, tumuloy ka. Kapag marami ang ngiting hopeful, unahan mo na sila sa ibang subjects kung saan hopeful sila na baka dun sila maenlist. Magbilang ka rin. Baka may ngiting satisfied kang makita pero ang mga sumunod sa kanya ay puro malungkot na.

Seven: Know your subjects
Alamin mo kung saan ang subjects na maraming slots na binubuksan usually. Kung alam mong may slots sa Env Sci at MBB saan ka pipila? Siyempre, pumila ka na sa Envi Sci. Kung majors naman, gumawa ka ng paraan na kung saan hindi lahat ng tao na kakilala mo ay kapeareho mo sa lahat ng subjects. At least mas konti ang competitionmo dun.

Ayan. Seven easy tips sa susunod niyong pagprerog. Magdarasal muna ako na sana by Friday, bumalik na ang 21 units ko. O siya!

BTW! ANG PAYMENT AY HANGGANG NEXT FRIDAY PA SA 14! SO KAHIT DI MUNA TAYO MAG ADDMAT PARA SA FS 105
Labels: , , edit post
7 Responses
  1. na-apply natin 'to kanina ah. haha!


  2. May mga nangyari tungkol sa FS 105 kanina... dapat di ka muna umalis till the last minute!


  3. Ayos ang pahabol mo ah! haha!


  4. yehey yehey yehey. one of the very few good news i've heard today :|


  5. May idadagdag ako...

    Alamin ang lugar ng mga subjects para kung sakaling matanggap ka man ay hindi ka haggard papunta sa next class mong kasunod talaga ng pinanggalingan mong klase..Yung tipong PH to CAL ang pinakamaganda sumunod sa iisang building ang mga klase mo.. Wag mong pangarapin ang GYM to Math dahil good luck na lang kung may exam o quiz ka man dahil siguradong di ka aabot.. Kung medyo malayo, ipanalangin mong laging late ang prof mo at siguradong may pag-asa kang maging "on time"..

    Isa pa... Magtanung-tanong sa mga kapwa mag-aaral kung sino ang matino at terror na mga prof.. Baka tuwang-tuwa ka at nakapag-prerog ka tapos tsaka mo lang malalamang kalbaryo ang pinasok mo.. O kaya naman di nga pumapasok ang prof pero napakahirap magbigay ng exam o hindi pa nakapagbigay ng tataas sa 2.00 mula pa noong nagsimula siyang magturo sa Unibersidad ng Pilahan.. Isa pang dapat iwasan ang subject na tambak-tambak ang kailangang basahin.... maliban na lamang kung mahilig kang magbasa at isa kang masukista..


    Hmmm... May nakalimutan ba ako?


  6. Tsaka mo na alalahanin kapag nakapasok ka na sa klase. haha. Importante, di ka underloaded


  7. At kailangan kong icancel ang BIRDWATCHING!


Post a Comment