Ang Pinoy ay sadyang _________
complete the sentence. Kung ako siguro, sa panahon na ito, ang ilalagay ko ay "may matinding colonial mentality"
Nakakainis lang kasi kung anu-ano ang mga nangyari na sa akin na talaga namang nakakainis na sa sobrang kainisan ay nagiging katawa-tawa na lang... Ang masaklap pa, parang racism ang nangyayari... pero against sa kalahi mo...
1. Sumasakay ako sa tri-sakal... este tricycle tapos noong napasok ko na ang paa ko, tsaka biglang humarurot si kuya papunta sa pinto ng mall. Akala ko naman, may naunang tumawag sa kanya pero noong narinig ko noong tinanong siya nung kasama niyang driver kung bakit niya nga ako iniwan,(kumwari nakasindi ang headphones ko kahit hindi) ang sabi niya lang "Amerikano yung palabas nung pinto. Baka nangangailangan kasi ng masasakyan." WTF! Eh ako, di a nangangailangan ng sasakyan? Nakakainis lang talaga!
2. May nakasakay akong lola sa jeep, at sobrang init talaga sa tabi ng bintana pero dahil ako yung nasa may silong at tinignan ako nung matanda na parang pinapa-guilty niya ako, tumayo na lang ako at binigay sa kanya yung lugar na inuupuan ko. Eh may nakasabay kaming kanong malaki ang katawan... lalake, sinlaki ng maliit na hippo... err... basta malaki naman siya... pero umupo siya sa may bintana kung saan mainit din... dun sa tabi ko. Pagkatapos bumaba nung amerikano, narinig ko si lola. Sabi niya: "Kawawa naman yung Amerikano, umupo dun sa may arawan, ang init pa man din." Kainis ano?
3. Ang ironic ni ate sa tindahan. Nagpapatugtog siya ng "Noypi" pero nung tinanong ko siya kung alin ang mas magandang bilhin na t-shirt, ang sabi niya "mas maganda yung may nakasulat na English... yun kasing may nakasulat na statement sa Tagalog, baduy..."
Hala, madidisconnect na naman yata ako kaya para ma-post na ito, puputulin ko na...

*tumbling*
ang ewan tlaga ng ibang tao...nakakainis nga! kung ako ung andun sa tindahan sinabihan ko ung ate ng.."edi baduy ka din? nagtatagalog ka kasi."